Nagdagdag na ng checkpoints ang Armed Forces of the Philippines sa Butig, Lanao del Sur matapos ang nangyaring sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga miyembro ng Maute terrorist group.
Ito’y sa kabila ng ipinatutupad na heightened security measures sa nabanggit na lugar.
Ayon sa AFP, ang pagdaragdag nila ng mga checkpoints ay bahagi ng kanilang offensive strategy upang malansag ang Maute group.
Tinatayang nasa 2,000 residente na ang inilikas upang makaiwas sa crossfire sa pagitan ng militar at ng nasabing terrorist group.
By: Meann Tanbio