Naghahanda na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa COVID-19 vaccine rollout sa Pilipinas.
Ayon kay General Gilbert Gapay, pangunahing responsable ang hanay ng militar sa pag-asiste sa gobyerno sa transportasyon at distribusyon ng mga bakuna kontra COVID-19 sakaling maging available na ito sa bansa.
Partikular aniya nilang tutukan sa distribusyon ang mga lugar na mahirap nang abutin ng ibang ahensya ng gobyerno.
Kaya naman inaasahan na umano nila na magagamit ang kanilang sasakyang pandagat at panghimpapawid para makatulong sa pagbyahe at mas lalong mabilis na distribusyon ng bakuna.
Magugunitang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangungunahan ng tropa ng gobyerno ang COVID-19 immunization program ng gobyerno.