Batay sa datos ng AFP, nasa limandaan at pitumpu’t siyam na massive military operations ang kanilang inilunsad kung saan mahigit apatnaraan at dalawamput anim dito ay nakatuon sa pagbulbos sa mga miyembro ng Abu Sayyaf group.
Sa naturang mga operasyon, aabot sa limampu’t anim na miyembro ng Abu Sayyaf ang kanilang napatay, dalawampu’t isa ang sumuko habang labim pito ang naaresto.
Kabilang sa mga napatay ng militar ang ASG leaders na sina Nelson Muktadil, Braun Muktadil at ang sub leader na si Mohammad said
Maliban dito, naglunsad din ang militar ng rackdown laban sa mga teroristang grupo sa Central Mindanao
Apatnapu’t apat dito ay combat operation laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters habang ang iba ay laban sa mga dayuhan at lokal na terorista partikular na ang Maute group.
Dagdag pa sa accomplishments ng AFP ang pagkaka-aresto sa tatlong suspek sa Davao blast nuong a-kwatro ng Oktubre.
By Ralph Obina