Tinukoy na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakakilanlan ng sundalong nasawi habang nakikibahagi sa Balikatan 2016 Joint Military Exercises.
Sa panayam ng DWIZ, kinilala ni AFP-Balikatan Spokesman, Capt. Frank Sayson ang nasawing biktima na si Airman 2nd Class Jover Dumansi ng Philippine Air Force-710 Special Action Operations Wing, habang nasa skydiving activity bilang bahagi ng proficiency jump parachute exercise sa Subic, Zambales kahapon.
Ayon kay Sayson, kabilang ang biktima sa unang batch ng 10 jumper, subalit bumagsak sa 30 talampakang lalim ng tubig makaraang sumablay ang kanyang parachute at tangayin ng malakas na hangin patungo sa dagat malapit sa Subic International Airport.
Bahagi ng pahayag ni AFP Balikatan Spokesman Capt. Frank Sayson
Nagluluksa aniya sila sa sinapit ng biktima.
Bahagi ng pahayag ni AFP Balikatan Spokesman Capt. Frank Sayson
Investigation
Iniimbestigahan na ng liderato ng Balikatan Exercises 2016 ang nangyaring aksidente kahapon kung saan namatay ang isang sundalong Pilipino sa kasagsagan ng joint military training ng mga tauhan ng Philippine Air Force at US Air force sa Zambales.
Ayon kay AFP-Balikatan Spokesman Capt. Frank Sayson, ang pag-iimbestiga sa insidente ay bahagi ng standard operating procedure o SOP.
Partikular na aalamin ng liderato ng Balikatan Exercises 2016 ay kung ano ang buong pangyayari ng aksidente.
Tiniyak naman ni Sayson na bukod sa jump pay na dagdag na 20 percent sa suweldo ng mga paratrooper, tatanggap din ang pamilya ni Airman 2nd Class Jover Dumansig ng financial assistance at iba pang benepisyo na tinatanggap ng mga sundalo ‘in the line of duty’.
By Meann Tanbio | Ratsada Balita | Jonathan Andal (Patrol 31)