Iipinagmamalaki ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang panibagong tagumpay ng atletang si Hidilyn Diaz.
Ito’y makaraang masungkit ni Diaz ang kauna-unahang gintong medalya ng Piliipinas sa Tokyo 2020 Olympics.
Nagwagi si Diaz sa women’s 55 kilogram category sa weightlifting.
Sa kabuuang 224 kilogram, 97 dito ay sa snatch habang 127 naman ang para sa cleant & jerk.
Ayon kay AFP Chief of Staff, Gen. Cirilito Sobejana, isang inspirasyon si Hidilyn hindi lang sa AFP kungdi sa buong Sambayanan.
Isa aniyanghuwaran si Hidilyn ng sipag, tyaga at dedikasyon bilang isang atleta.
Si Diaz ay kabilang sa hanay ng Philippine Air Force na may ranggong Sergeant. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)