Mahigpit na rin ang ginagawang kampaniya ng Armed Forces of the Philippines o AFP kontra loose firearms sa bansa habang papalapit na ang halalan sa susunod na taon.
Ito’y matapos ang matagumpay na pagkakasabat ng mga operatiba ng Militar at Pulisya sa matataas na kalibre ng armas at mga bala sa dalawang operasyon sa Quezon City at Sta. Maria sa Bulacan nuong Setyembre 8.
Sa Quezon City, anim ang naaresto at nasabat din ang may 5,000 piraso ng mga bala gayundin ang iba pang personal na kagamitan ng mga suspek nang salakayin ang isang bodega sa lugar.
Habang nasabat din sa Bulacan ang iba’t ibang matataas na kalibre ng armas tulad ng reassembled na caliber 5.56 rifle, iba’t ibang bala at mga armas na handa para sa re-assembly.
Ayon kay AFP Chief of Staff Lt/Gen. Jose Faustino Jr, malaking bagay aniya ang pagkakasabat sa mga armas para mapilay ang operasyon ng mga lokal na terrorista tulad ng CPP-NPA-NDF gayundin ang iba pang private armed group sa bansa.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)