Pinasalamatan ng AFP o Armed forces of the Philippines ang Airline na Air Asia Philippines sa pagbibigay nito ng libreng 40 kilos baggage allowance at libreng pagkain sa mga sundalong patungo sa kanilang deployment.
Ayon kay AFP Public Affairs Chief Col. Edgard Arevalo, kanilang pinasasalamatan ang ibinigay na pribilehiyo ng nasabing airline sa pangunguna CEO nito na si Capt. Dexter Comendador.
Aniya, lalung makahihikayat ito sa mga sundalo na gawin ang kanilang tungkulin.
Ang naturang hakbang ng Air Asia ay nag-ugat mula sa Facebook post ng isang netizen na si Inday Rakel.
Inilahad nito, kung paano tinulungan ng iba pang mga pasahero ang tatlong sundalong patungo sa kanilang misyon sa Marawi City at Cotabato na sumobra sa bigat ng kanilang mga bagahe.
By: Krista De Dios
AFP nagpasalamat sa hakbang ng Air Asia para sa mga sundalong Pinoy was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882