Tinutupad lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang pangako sa mga sundalo na kaniya itong aalagaan dahil sa pagbubuwis ng buhay para sa bayan.
Ito’y ayon kay AFP Spokesman Brig/Gen. Restituto Padilla kasunod ng pagpapagamit ng Pangulo sa Presidential Plane para isakay ang mga sugatang sundalo sa bakbakan sa Marawi City.
Ipinaabot din ni Padilla ang pasasalamat ng buong hukbong sandatahan ng Pilipinas sa Pangulo na naghatid sa mga sugatang sundalo mula Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City patungong Maynila.
Magugunitang personal na sinamahan ng Pangulo kagabi ang mga sugatang sundalo sakay ng F-28 Presidential Jet na nakalaan lamang para sa biyahe ng Pangulo ngunit ginawang ambulance aircraft.
By: Jaymark Dagala