Dalawang araw bago ang eleksyon, itinaas na sa red alert ang status ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, ito’y para masiguro na handa ang 125,000 tauhan nito sakaling kailanganin ng sitwasyon.
Lahat ng sundalo sa buong bansa ay naka stand-by ngayon sa kani-kanilang mga kampo para sa posibleng deployment.
Mananatili ang red alert status ng AFP hanggang sa irekomenda na ng mga ground commanders na maaari nang magbaba ng alerto.
Ang Philippine National police naman ay naka-full alert na rin para sa eleksyon sa Lunes.
By Jonathan Andal