Naka-red alert na ang hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa nalalapit na eleksyon.
Ayon kay AFP Chief General Benjamin Madrigal, layon nitong matiyak na ang handa ang kanilang hanay sa pagresponde sa anumang banta o emergency.
Nasa kabuuang 98,000 sundalo ang ipapakalat ng afp para maging katuwang ng Commission on Elections (Comelec) at Philippine National Police (PNP) sa mismong araw ng halalan.
Una nang tinukoy ng Comelec ang mahigit 1,000 lugar sa bansa na nasa election hotspot kabilang ang buong Mindanao na nasa red category.