Nakaalerto ngayong panahon ng Kapaskuhan ang tropa ng militar sa mga lugar na itinuturing na security risk lalo na sa ilang bahagi ng Mindanao.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Restituto Padilla, may mga kaukulang security adjustments nang ginawa ang mga area commander lalo na sa mga lugar na mayroong banta ng pagpapasabog.
Patuloy naman ang apela ng AFP sa publiko na maging mapagmatyag sa kanilang kapaligiran at ipagbigay-alam agad sa mga otoridad sakaling may mapansing kahina-hinalang indibiduwal.
By Jelbert Perdez | Jonathan Andal