Nakaantabay lang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa maging hakbangin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa pagbibigay ng libreng sakay sa mga manggagawang stranded ngayong umiiral ang general community quarantine sa Metro Manila.
Ayon kay AFP Spokesman Marine Brigade General Edgard Arevalo handa silang ipakalat ang apat naput walong military truck sakaling kailanganin na ng mmda sa mga natukoy nilang lugar.
Labing tatlong military trucks ang ipinakalat ng AFP sa unang araw nang pagpapairal ng gcq sa metro manila para umalalay sa mga manggagawa sa bahagi ng Commonwealth Avenue partikular sa may philcoa at batasan gayundin sa iba pang lugar na itinuro sa kanila ng mmda.
Nilinaw ni arevalo na ang mga ipinakalat na at mga naka standby pang military truck ay bukod pa sa mga nauna nilang i-deploy upang maghatid sa frontliners simula nang ipatupad ang lockdown hanggang sa ngayon. —ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)