Asahan nang paiigtingin pa ng militar ang kanilang opensiba laban sa puwersa ng mga New People’s Army o NPA partikular na sa Silangang Mindanao.
Ito’y dahil sa inaasahang pananamantala ng NPA sa panahon ng halalan para makapangalap ng dagdag na pondo upang gamitin sa kanilang operasyon.
Ayon kay Lt. General Benjamin Mardrigal, Commander ng EASTMINCOM o Eastern Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP), madalas mangingil ang NPA para sa permit to campaign sa mga kandidato na papasok sa kanilang mga baluwarte.
Dahil dito, nakikipag-ugnayan na aniya sila sa Philippine National Police o PNP upang matugunan ang mga posibleng banta ng mga rebelde sa kanilang lugar habang papalapit ang halalan.
—-