Tututukan na ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang pag-aresto sa mga consultant ng CPP-NPA-NDF na pansamantalang nakakalaya.
Ayon kay AFP Spokesperson Major General Restituto Padilla, kanselado na ang safe of conduct pass na ibinigay ng pamahalaan sa mga consultant ng CPP-NPA-NDF.
Kasunod rin aniya ito ng pormal pagpapatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang pangkapayaan.
Sinabi rin ni Padilla na kanila nang pagiigtingin ang opensiba laban sa mga rebeldeng NPA at nagbabalang aarestuhin ang mga mapatutunayang tumutulong sa mga ito.
Gayunman hindi binanggit ni Padilla kung maglulunsad sila ng giyera laban sa NPA ngayong itinuturing na ang mga ito bilang mga terorista.
—-