Muling tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang kahandaan na ipagtanggol ang mga Pilipino laban sa anumang banta ng digmaan.
Ito ang inihayag ng bagong AFP chief of staff na si Lt/Gen. Filemon Santos Jr. kasunod ng nagpapatuloy na sigalot sa pagitan ng Amerika at ng mga bansa sa gitnang silangan.
Ayon kay Santos, naitala na kasi sa kasaysayan na ang mga bansang kaalyado partikular na ng Amerika ay nadadamay sa digmaan.
Bagamat kaalayado rin ng Pilipinas ang Estados Unidos, nilinaw ni Santos na hindi naman kasama ang giyera sa gitnang silangan sa RP-US mutual defense treaty.
Nagbibigay lang aniya ng updates sa situasyon ang Estados Unidos pero wala pa namang inilalatag na plano sa possibleng mangyari sa gitnang silangan.
Sa ngayon aniya ang pangunahing concern ng pangulo ay ang kaligtasan ng lahat ng mga Pilipino sa gitnang silangan, at naghihintay lang ng go-signal ang AFP para sa paglikas ng mga Pilipinong nangangabib na maipit sa kaguluhan.