Patuloy na minomonitor ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang 21 mga consultants ng NDFP o National Democratic Front of the Philippines na nananataling malaya.
Ito ay kasunod ng pagkansela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng nasabing komunistang grupo noong Agosto.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief; Col. Edgard Arevalo, kanila na lamang hinihintay ang court order para muling maaresto ang mga NDFP Consultants na pansamantalang pinalaya.
Pagtitiyak pa ni Arevalo, sakaling piliing magtago ng mga nasabing consultants ay nakahanda ang AFP na tugisin ang mga ito tulad noong unang pagkakataon na maaresto ang mga ito.
Kabilang sa mga NDFP consultants na binigyan ng pansamantalang kalayaan ng pamahalaan ay ang magsawang Benito at Wilma Tiamzon, Tirso Alcantara, Maria Concepcion Bocala, Pedro Codaste, Renante Gamara at iba pa.