Naka monitor ang sandatahang lakas ng Pilipinas kaugnay sa magiging pagkilos ng Communist Party of the Philippines kaugnay sa magiging pagdiriwang ng anibersaryo nito sa Lunes, December 26.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla, malayang magsagawa ng pagdiriwang ang mga rebelde kaugnay sa kanilang anibersaryo ngunit umaasa hindi sila maghahasik ng karahasan.
Sinabi pa ni Padilla na sana ay tumugon ang mga rebelde sa panghihikayat ng Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang iwan ang kanilang mga baril at umuwi muna sa kani – kanilang pamilya ngayong kapaskuhan.
Una nang ipinag – utos ng Pangulong Duterte ang ceasefire sa pagitan ng gobyerno at rebelde epektibo mula December 23 hanggang 27 at December 31 hanggang January 3.
By: Rianne Briones