Nakatakda ng mag deploy ang Armed Forces of the Philippines ng mga sundalo sa Guihulngan City, Negros Oriental matapos ang pananambang ng New People’s Army na ikinasawi ng Anim na pulis at isang sibilyan, noong Hulyo 21.
Ito, ayon kay Commander, Maj. Gen. Oscar Lactao ng AFP-Central Command, ay sa oras na magbalik na sa normal ang sitwasyon sa Marawi City.
Magugunitang nag-pull out sa Guihulngan City ang 11th infantry battalion dahil sa kaguluhan sa Mindanao.
Itinuturing naman ni Lactao na ganti ng NPA ang pananambang sa mga pulis dahil sa pag-atake ng mga tropa ng gobyerno sa mga rebelde sa San Carlos City, Negros Occidental.
By Drew Nacino