Nagpaabot ng pakikiramay ang AFP sa pagpanaw ni MNLF Chairman Yisop Jikiri.
Ayon kay AFP Chief Of Staff General Gilbert Gapay si Jikiri ay naging instrumento para makamit ang pagtutulungan ng AFP at MNLF kaya’t humantong aniya sa pagbuo ng peace agreement ang gobyerno at MNLF.
Kinikilala rin ng AFP si Jikiri bilang isa sa mga haligi ng peace and development sa Sulu na lumaganap naman hanggang sa buong rehiyon ng Bangsamoro.
Tiwala si Gapay na magsisilbing inspirasyon si Jikiri ng mga Pilipino sa mga magaganda niyang simulain sa pagsusulong ng ganap na kapayapaan sa buong bansa. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)