Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tanging ang mga operasyon lamang kontra New People’s Army (NPA) ang kanilang pansamantalang itinigil.
Kasunod na rin ito ng deklarasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na unilateral ceasefire sa hanay ng CPP-NPA-NDF.
Tiniyak sa DWIZ ni AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla ang patuloy na kampanya laban sa mga kriminal sa ibang lugar ng bansa.
Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla
Gayunman, ipinabatid ni Padilla na tuluy-tuloy ang kanilang mahigpit na monitoring at mandato nilang protektahan ang sambayanan.
Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla
By Judith Larino | Karambola