Mataas ang morale ng mga sundalong Pilipino.
Tiniyak ito ni Brig. General Restituto Padilla, spokesman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa harap ng pagpapalit ng administrasyon sa katapusan ng Hunyo.
Ayon kay Padilla, kaya acting chief of staff lamang ang inilagay ni Pangulong Benigno Aquino III sa AFP ay upang maiwasan ang anumang problema kapag nagpalit ang administrasyon.
Maliban dito ay masaya anya ang mga sundalo sa pagkilala na ibinibigay sa kanila ng administrasyon at maging ng susunod na administrasyon.
Gayunman, umaasa anya sila na maisasabatas na sa susunod na administrasyon ang Salary Standardization Law na hindi natuloy sa Aquino administration.
Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Restituto Padilla
By Len Aguirre | Ratsada Balita