Nananatiling propesyunal ang hanay ng Armed Forces of the Philippines sa kabila ng sinasabing ‘political intrigue’ matapos ang balasahan sa National Security Council.
Ayon kay AFP Spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla, kung tatanungin kung mayroong hidwaan, isa lang itong pangkaraniwang kaso ng intriga sa pulitika.
Wala aniya itong ibig sabihin at nananatiling nagkakaisa at tapat ang security sector sa ilalim ng konstitusyon at sumusunod sa chain of command.
Kaugnay nito, itinanggi rin ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya ang mga naturang alegasyon at iginiit ang walang patid na suporta ng national security establishment para sa pamumuno at kaayusan ng bansa.