Welcome sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa siyam na pulis na nasa likod ng madugong pagpatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu nuong isang taon.
Ayon kay AFP Spokesman Marine M/Gen. Edgard Arevalo, ang inilabas na mandamiyento de aresto ng Jolo Regional Trial Court branch 3 laban sa naturang pulis ay indikasyon lamang na malakas ang ebidensya laban sa kanila.
Magugunitang pinalaya ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang restrictive custody ang siyam na Pulis Jolo dahil sa kawalan ng warrant of arrest mula sa korte matapos namang tanggalin ang mga ito sa serbisyo.
Kasunod nito, nanawagan si Arevalo, sa mga nasibak na pulis na sumuko na sa mga awtoridad bago pa man sila tugisin ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya upang iharap sa korte.