Hindi magpapasindak ang Armed Forces of the Philippines o AFP kaya’t mananatili ang puwersa nito sa mga islang kontrolado ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Inihayag ito ng AFP sa harap na rin ng ginagawang pagpapakalat ng surface to air missiles ng China sa Woody Island na bahagi ng Paracel Group.
Ayon kay Vice Admiral Alex Lopez, Commander ng Western Command na nakabase sa Palawan, hindi nila lilisanin ang mga binabantayang poste sa halip pinaghahandaan nila ang mas malalang sitwasyon.
Sinabi pa ni Lopez, walang magbabago sa kanilang defense posture sa nasabing karagatan kaya’t sinabi nito na poprotektahan nila ang kung ano ang sa Pilipinas hanggang sa dulo.
By Jaymark Dagala