Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines na hindi nilabag ng militar ang idineklarang unilateral ceasefire ni Pangulong Rodrigo Duterte taliwas sa pahayag ng National Democratic Front of the Philippines.
Ayon kay outgoing AFP Chief of Staff, Gen. Ricardo Visaya, nagsasagawa lamang ang mga sundalo ng civic operations na isang non-combatant task sa mga liblib na komunidad.
Nais lamang anya nilang matiyak ang seguridad ng mga komunidad laban sa kriminalidad at nakahanda sakaling humingi ng military assistance ang mga local leader.
Nakatakdang magretiro si Visaya sa huwebes, Disyembre 8 o sa mismong araw ng kanyang ika-56 na kaarawan na mandatory retirement age.
By: Drew Nacino