Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines o AFP na lehitimo ang ginawa nilang operasyon sa Nasugbu, Batangas na ikinasawi ng labing limang (15) miyembro ng New People’s Army (NPA).
Kasunod ito ng pahayag ni Communist Party of the Philippines Founder Joma Sison na tila “tokhang” ang istilo ng nangyaring engkwentro sa pagitan ng militar at mga napatay na rebelde.
Ayon kay Brigadier General Arnulfo Marcelo Burgos, commander ng 202nd Infantry Brigade ng Philippine Army, propaganda lamang ni Sison ang kanyang mga pahayag kontra – militar.
Dahil aniya, layon lamang nito na isalba ang kanyang sarili dahil sa humihinang suporta sa kanya ng NPA.
Matatandaang noong Martes ng gabi ay nasawi ang labing limang miyembro ng NPA habang sugatan ang limang (5) iba pa matapos na makasagupa ang militar sa isang operasyon sa Batangas.