Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines o AFP walang elemento ng ISIS at tanging ang Abu Sayyaf lamang ang nagkukuta ngayon sa Mindanao
Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff Lt/Gen. RICARDO Visaya kasunod na rin ng pagbabanta ng International Terrorist group sa Davao City
Gayunman, sinabi ni Visaya na patuloy ang isinasagawang monitoring ng kanilang Intellegence Unit sa anumang banta sa seguridad ng bansa
Sa panig naman ni Lt/Gen. LEONARDO Guerrero, pinuno ng Eastern Mindanao Command, walang tigil silang nakikipag-ugnayan sa pulisya
Batay sa kanilang natatanggap na impormasyon, sinabi ni Guerrero na laging kasama ang Davao City sa mga may banta ng terorismo ngunit hindi direktang nagmula ito sa ISIS
By: Jaymark Dagala