Nanindigan ang liderato ng Armed Forces of the Philippines na walang mali sa ginawa nilang pagbisita sa Pag Asa island nitong Biyernes.
Itoy makaraang pumalag ang China at magpahayag ng matinding pagkabahala sa pagbyahe ni Defense Sec. Delfin Lorenzana sa nasabing sila .
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen Eduardo Año, bahagi ng trabaho nila ang pagbisita sa Pag-asa Island.
Hindi anya sila lumalapag sa mga islang hindi sakop ng teritoryo ng Pilipinas at walang mga sundalong Pilipinong naka istasyon.
Ipinauubaya naman na ng AFP sa DFA o Dept. of Foreign Affairs ang mga pagpalag ng China sa nasabing byahe.
By: Jonathan Andal