Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines o AFP na hindi nila kinokonotra ang pahayag ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa presensya umano ng Maute Group sa Metro Manila.
Ayon kay AFP SPOKESMAN, Brig. Gen. Restituo Padilla, iba ang batayan ng PNP sa pahayag na mayroong mga miyembro ng Maute sa kalakhang Maynila.
Posible kasi anyang hindi nakuha ng kanilang intelligence officer ang mga impormasyong hawak ng PNP.
Gayunman, nagpapalitan na ng impormasyon ang militar at pulisya kaugnay ng presensya umano ng Maute sa Metro Manila sa pamamagitan ng tinatawag na intelligence fusion.
Sa kabila nito, hindi na nagbigay ng direktang sagot si Padilla kung may totoong may mga miyembro ng naturang terror group sa Metro Manila.
By Drew Nacino |With Report from Jonathan Andal