Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines o AFP na hindi security lapse kundi security breach ang nangyari sa Jolo cathedral na nagdulot ng kambal na pagsabog sa Sulu.
Ayon kay Brigadier General Divino Rey Pabayo, commander ng Joint Task Force Sulu, hindi lapse ang nangyari dahil mismong sundalo na nagbabantay sa lugar ang nasawi sa insidente.
Tinawag nila aniya itong security breach dahil nabutasan sila ng isang determinadong terorista.
Patuloy naman ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad ng militar sa Jolo dahil sa mga impormasyong patuloy nilang natatanggap hinggil sa umano’y explosive devices na itinanim sa naturang lugar.
—-