Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines o AFP na wala silang intensyon na gawing military garrison ang buong Marawi City, Lanao del Sur.
Ito’y sa kabila ng pagkakadiskubre sa 1953 Presidential Decree kung saan nakasaad na 6000 ektarya ng lungsod at mga karatig bayan ay bahagi ng Military Reservation o pag-aari ng AFP.
Tiniyak ni Joint Task Force Ranao Deputy Commander, Col. Romeo Brawner sa mga residente na hindi nila aangkinin ang anumang bahagi ng lupain sa Marawi na hindi naman kailangan.
Una ng ibinabala ni Autonomous Region in Muslim Mindanao Assemblyman Zia Alonto Adiong na lalong magpapalala sa problema kung gagawing kampo ang ilang bahagi ng Marawi.
By Drew Nacino