Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang banta sa seguridad sa nalalapit na APEC leader’s meeting sa Metro Manila sa Nobyembre.
Inihayag ito ni Col. Restituto Padilla, tagapagsalita ng AFP.
Ipinabatid ni Padilla na magde-deploy sila ng kanilang mga tauhan, kabilang na ang Joint Task Force-National Capital Region, Tanay-Based Second Infantry Division at Tarlac-Based Northern Luzon Command at iba pang units mula sa AFP Headquarters sa Camp Aguinaldo.
Ang Pilipinas ang host sa APEC Economic Leaders meeting ngayong taon na dinadaluhan ng 21 world leaders.
By Meann Tanbio