Nagsagawa ng feeding program at gift giving activity ang AFP Northern Luzon Command (NOLCOM) kasabay ng pagdiriwang ng National Children’s Month sa Sitio Ye Young, Sta. Juliana, Capas, Tarlac.
Katuwang ng AFP ang 1st Civil Relations Group, Civil Relations Service, Tarlac Medical Society, Philippine Pediatric Society, at Regional Emergency Assistance Communication Team (REACT) Philippines kung saan, nasa 300 batang Aeta ang nakinabang sa programa.
Bukod pa dito, nagbigay din ng multivitamins at deworming tablets ang ahensya na may layuning maprotektahan ang komunidad ng Aeta.