Nakaalerto na ang AFP o Armed Forces of the Philippines Northern Luzon Command kaugnay sa bantang missile attack ng North Korea sa Guam na una nang ipinagpaliban ni Kim Jong Un.
Sinabi ni AFP PIO Chief Col. Edgard Arevalo na may nakahanda nang contingency plan ang NOLCOM sakaling maapektuhan ang ilang bayan sa Northern Luzon sa banta ng NoKor.
Bahagi aniya nito ang medical preparation at evacuation plan para sa mga residente.
Ayon pa kay Arevalo naghahanda na rin ang air assets ng AFP sakaling kailanganing i-repatriate ang mga Pinoy sa Guam.
By Judith Larino / (Ulat ni Jonathan Andal)