Gagawing mandatory ang pagpababakuna kontra COVID-19 sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito ang inihayag ni AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo na aniya utos ni AFP Chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana.
Ani Arevalo, hindi magiging opsyon lang ang pagpapabakuna sa mga sundalo kundi kailangan itong gawin.
Makatatanggap aniya ng karampatang parusa ang sundalong tatangging magpabakuna.
Sinabi ni Arevalo na maaari naman mamili ang mga sundalo kung anong brand ng COVID-19 vaccine ang ituturok sa kaniya.
Ngunit nilinaw ni Arevalo na hindi sagot ng AFP ang gastos sa pagpapabakuna ng mga sundalo.