Lusot na sa makapangyarihang CA o Commission on Appointments ang mga opisyal ng AFP o Armed Forces of the Philippines.
Ito’y makaraang aprubahan sa plenaryo ng komite na ang rekumendasyon ng committee on national defense ng CA
Unang nakalusot sa CA si General Eduardo Año bilang ika-48 chief of staff at sinundan naman ng dalawampu’t siyam (29) na opisyal ng AFP.
Binubuo ang Commission on Appointments ng mga mambabatas mula sa dalawang kapulungan ng Kongreso.
5 diplomats
Pormal nang nakalusot sa CA ang limang mga embahador o kinatawan ng Pilipinas sa ibayong dagat.
Kabilang dito sina Ambassadors Eduardo Eco kapunan sa Myanmar, Buenvenido Villamor Tejano sa Papua New Guinea, Abdulmaid Kiram Muin sa Timor – Leste, Evan Pumaren Garcia sa Switzerland at Celia Anna Mallari Feria sa Portugal.
Samantala, pag-aaralan pa kung dapat na isalang sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments (CA) si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay.
Ito’y makaraang ipagpaliban ng Foreign Relations Committee ng CA ang confirmation hearing kay Yasay dahil sa balitang papalitan siya ni Senador Alan Peter Cayetano.
Maugong ang balita na itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cayetano sa nasabing posisyon matapos ang isang taong appointment ban para sa mga tumakbo noong nakalipas na halalan.
By Jaymark Dagala | Report from Cely Bueno (Patrol 19)