Lusot na sa makapangyarihang CA o Commission on Appointments ang mga opisyal ng AFP o Armed Forces of the Philippines
Ito’y makaraang aprubahan sa plenaryo ng komite na ang rekumendasyon ng committee on National Defense ng CA.
Unang nakalusot sa CA si General Eduardo Año bilang ika-48 Chief of Staff at sinundan naman ng 29 na opisyal ng AFP.
Binubuo ang Commission on Appointments ng mga mambabatas mula sa dalawang kapulungan ng kongreso.
5 diplomats lusot na sa Commission on Appointments
Pag-aaralan pa kung dapat na isalang sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay.
Ito’y makaraang ipagpaliban ng foreign relations committee ng CA ang confirmation hearing kay Yasay dahil sa balitang papalitan siya ni Senador Alan Peter Cayetano.
Maugong ang balita na itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cayetano sa nasabing posisyon matapos ang isang taong appointment ban para sa mga tumakbo nuong nakalipas na halalan.
Samantala, pormal nang nakalusot sa CA ang 5 mga embahador o kinatawan ng Pilipinas sa ibayong dagat.
Kabilang dito sina Ambassadors Eduardo Eco kapunan sa Myanmar, Buenvenido Villamor Tejano sa Papua New Guinea, Abdulmaid Kiram Muin sa Timor – Leste, Evan Pumaren Garcia sa Switzerland at Celia Anna Mallari Feria sa Portugal.
By Jaymark Dagala | With Report from Cely Bueno
Photo Credit: CNN Philippines