Pabor ang Armed forces of the Philippines sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang reserve officers’ training corps o ROTC sa mga mag-aaral sa kolehiyo
Ayon kay Philippine army Chief Lt/Gen. Eduardo Año, dapat aniya handa ang lahat ng mga Pilipino para ipagtanggol ang bansa mula sa mga mananakop o di kaya’y sa biglaang pagkakaroon ng digmaan
Sa kasalukuyan, sinabi ng opisyal na nananatili pa ring opsyon sa mga mag-aaral ang ROTC sa ilalim ng national service training program o NSTP sa ilalim ng Republic Act 9163
Kaya’t sinabi ni Año, panahon na para buhayin muli ang mandatory ROTC para sa mga kabataan upang maihanda ang depensa ng bansa.
By: Jaymark Dagala