Pabor si AFP Chief of Staff, Gen. Carlito Galvez Junior na ipagpatuloy sa Pilipinas ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at NDF-CPP-NPA sa sandaling bumalik ang dalawang panig sa negotiating table.
Ayon kay Galvez, tila walang magandang epekto ang pagsasagawa ng usapang pang-kapayapaan sa ibang bansa.
Dapat anyang mabatid ng mga naka-excile na Communist Leader sa Europa tulad ni CPP Founder Jose Maria Sison ang tunay na nangyayari sa kanilang mga miyembro sa Pilipinas.
Sa ilalim ng Duterte Administration, isinagawa ang first round ng peace talks noong August 22 hanggang 26 taong 2016 sa Oslo, Norway na nasundan matapos ang dalawang buwan habang ang ikatlong round ay naganap sa Rome, Italy noong January 19 hanggang 25, taong 2017.
Bagaman ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 4th round noong Pebrero 4, 2017 ipinagpatuloy ito sa Amsterdam, Netherland, Abril 3 hanggang 6 ng nasabing taon.
Samantala, dalawang araw naman bago ang 5th fifth round ng formal talks noong November 25 hanggang 27 sa Oslo, Norway, nilagdaan ni Pangulong Duterte Proclamation 360 na tumatapos usapang pangkapayapaan.