Inaasahang susunod na rin ang Armed Forces of the Philippines o AFP sa pagtataas ng alert status hinggil sa gagawing eleksyon ngayong buwan.
Inihayag ito ng AFP kasunod ng paglalagay naman ng Philippine National Police sa red alert status sa kanilang hanay sa buong bansa.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla, bagama’t suporta lamang ang kanilang papel ngayong halalan, paiigtingin pa rin nila ang pagbabantay sa posibleng pagsalakay ng mga armadong grupo, bandido at terorista.
Sa ilalim din ng kanilang kasunduan sa pulisya, sinabi ni Padilla na walang ipadadalang sundalo sa mga syudad sa halip, kanilang tututukan ang mga kanayunan o lalawigan.
By Jaymark Dagala