Binigyang diin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na determinado itong protektahan ang maritime territory ng bansa sa kabila ng bagong batas ng China na papuputukan umano nito ang anumang foreign vessels na kanilang mamamataan sa pinag-aagawang karagatan.
Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, na patuloy nilang poprotektahan ang teritoryong pag-aari ng Pilipinas at hindi patitinag kahit na ano pa man ang mga batas na ipapasa ng China.
Inihayag ni Arevalo, na mananatili ang pagtupad nila sa kanilang sinumpaang tungkulin na igiit at bigyang proteksyon ang soberenya ng bansa sa West Philippine Sea.
Sinabi pa ng opisyal, na ang pagprotekta sa teritoryo ng Pilipinas at pagsusulong ng interes ng mga Pilipino ang kanilang pangunahing mandato.
Ginawa ni arevalo ang pahayag matapos na magpahayag umano ng pagkabahala ang Estados Unidos dahil sa bagong coast guard law na ipinasa ng China.
Habang, bumaba naman sa 30.28% ang bilang ng mga under treatment.