Hindi malabong pamarisan ng ibang armadong grupo sa Mindanao ang ginawang pagkubkob ng Maute Terror group sa Marawi City.
Ito’y ayon sa military historian at security analyst na si Prof. Jose Antonio Custodio ay dahil sa maraming nakikisimpatiya sa Maute sa ibang lugar sa Mindanao at naghahanap ng pagkakataon para malusutan ang puwersa ng pamahalaan.
Dahil dito, hinimok ni Custodio ang pamahalaan na pag-aralang maigi ang mga naging istratehiya ng mga armado gayundin ang kanilang mga naging operasyon upang hindi na maulit at kumalat pa sa ibang panig ng bansa ang nasabing pag-atake.
Sa panig naman ng militar, sinabi ni westmincom o WESTERN Mindanao Command Chief Lt/Gen. Carlito Galvez na pinag-aaralan nila ang galaw ng mga kalaban upang mabantayan ang kanilang nasasakupan mula sa iba pang mga grupo.
By: Jaymark Dagala / Aya Yupangco
AFP pinag-aaralan na ang galaw ng kalaban upang hindi na maulit ang pagkubkob sa Marawi was last modified: June 27th, 2017 by DWIZ 882