Hinikayat ng Malakanyang ang Armed Forces of the Philippines o AFP na magsumite ng rekomendasyon kaugnay sa posibleng pagpapalawig ng martial law sa Mindanao sa loob ng tatlong (3) linggo bago mag – Pasko.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dahil mapapaso na ang paged – deklara ng martial law sa katapusan ng Disyembre, kinakailangang magpatawag ang Kongreso ng special session at putulin ang kanilang Christmas break kung magpa – pasya silang palawigin ang pagpapatupad ng batas militar sa Mindanao.
Nakatakdang mag – adjourn ang sesyon ng Kongreso sa Disyembre 15 ngayong taon at muling babalik sa Enero 15 sa susunod na taon.
Matatandaang inaprubahan ng Kongreso sa kanilang joint session noong Hulyo ang kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapalawig ang martial law hanggang Disyembre 31, 2017.