Pinaigting pa ng AFP ang kampanya nito kontra loose firearms habang papalapit na ang halalan.
Kasunod na rin ito nang matagumpay na pagkakasabat ng awtoridad sa matataas na kalibre ng armas at mga bala sa dalawang operasyon sa Quezon City at Sta. Maria, Bulacan noong Setyembre 8.
Sa pagsalakay sa isang bodega sa Quezon City, anim ang naaresto at nasabat din ang limang libong piraso ng mga bala at iba pang personal na kagamitan ng mga suspek.
Samantala, nasabat naman sa Sta. Maria, Bulacan ang iba’t ibang matataas na kalibre ng armas tulad ng reassembled caliber 5.56 rifle, iba’t ibang bala at mga armas na handa para sa re-assembly.
Ayon kay AFP chief of Staff Lt./Gen. Jose Faustino Jr., malaking bagay ang pagkakasabat sa mga nasabing armas para mapilay ang operasyon ng mga lokal na terorista tulad ng CPP-NPA-NDF gayundin ang iba pang private armed group sa bansa.–-mula sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)