Kumikilos na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para sa pagsasampa ng kaso laban sa New People’s Army (NPA) kaugnay sa pagpapasabog sa Masbate City.
Tiniyak ng tagapagsalita ng AFP na si Major Gen. Edgard Arevalo sa mga kaanak ng biktima na hindi sila titigil hangga’t hindi nahahanap ang mga nasa likod ng pag-atake kabilang na rito ang kanilang mga pinuno.
Katuwang ang PNP, tuloy ang kanilang pagta-trabaho para masampahan ng kasong kriminal ang mga pumatay at lumabag sa Republic Act 9851 partikular sa pinuno ng grupo na nag-utos magpasabog ng landmine kung saan nasawi ang walang kalaban-laban na mga sibilyan.
Pagtitiyak pa ni Arevalo, kanilang ihaharap sa hukuman at pananagutin ang mga nasa likod ng pagkamatay ng naturang mga sibilyan.