Magdedeploy ng limang medical teams ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) upang mabantayan ang mga pribado at pampublikong ospital sa National Capital Region.
Ito ay para matugunan ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na matulungan ang mga lubos na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Matatandaang una nang inatasan ni Pangulong Duterte ang Department of National Defense na magpadala ng medical practitioners para laban ang nakakahawang sakit.
Ayon sa afp magkakaroon ng dalawang team mula sa Philippine Army at tag-iisa sa AFP Health Services Command, Philippine Navy at Philippine Air Force ang itatalaga sa hospital deployment.
Samantala sa naging pahayag naman ng PNP, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar na handang-handa na ang nasa 150 police medical workers ng PNP medical reserve force para sa deployment. —sa panulat ni Angelica Doctolero