Nakikipag-ugnayan na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kaugnay sa distribusyon ng social amelioration program (SAP).
Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, alinsunod ito sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang ibigay sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang pangangasiwa sa pamamahagi ng ikalawang tranche ng pinansiyal na ayuda sa SAP.
Sinabi ni Bautista, makakatulong na ang DSWD ang mga sundalo at pulis sa distribusyon ng SAP lalo na sa mga lugar sa bansa na itinuturing bilang geographically isolated at disadvantage areas.
Inaasahan din ni Bautista na mas magiging mabilis na ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng pinansiyal na ayuda sa mga benipisyaryo ng SAP dahil ipadadaan na ito sa mga remittance centers o bangko.
Ang magandang mangyayari dito sa 2nd tranche payment ay gagamit tayo ng digital payments. So, apparently ini-expect natin na merong mga remittance centers, mga bangko sa mga highly urbanized city o kaya sa mga urban areas ay mapadali nating maibibigay yung ayuda sa mga benepisyaryo yun pa ang maganda ditto bukod sa mapapabilis ang pamimigay sa ayuda ay wala pang contact,” ani Bautista.