Kaya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) gayundin ng Philippine National Police (PNP) na makatayo sa sarili nitong mga paa kahit walang tulong mula sa Amerika.
Ito ang reaksyon ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año sa isinusulong na panukala ng mga mambabatas mula sa Amerika na suspendihin muna ang mga ibinibigay na tulong nito sa AFP at PNP.
Ayon kay Año, hindi naman kawalan para sa mga pulis at sundalo ang ibinibigay na tulong ng Amerika dahil hindi naman ito titigil para protektahan ang sambayanan mula sa mga rebelde at terrorista.
Magugunitang dahil umano sa paglabag sa karapatang pantao ng mga pulis at sundalo kaya’t nais ng ilang mga mambabatas sa Amerika na itigil pansamantala ang ibinibigay na ayuda nito sa Pilipinas.