Nananatiling positibo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na mahuhuli nila si Moro National Liberation Front (MNLF) Founder Nur Misuari, ang utak umano sa madugong Zamboanga siege noong September 2013.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Hernando Iriberri, patuloy ang militar sa pakikipag-tulungan sa Philippine National Police sa law enforcement operations nito upang madakip si Misuari.
Gayunman, hindi pa aniya nila masasabi kung kailan mahuhuli ang Moro leader upang matuldukan na ang mga katanungan kaugnay sa naganap na bakbakan sa naturang lungsod.
Si Misuari ay nahaharap sa kasong rebelyon matapos tangkaing kubkubin ang Zamboanga City Hall, eksaktong dalawang taon na ang nakalilipas.
Nagresulta ang bakbakan sa pagkasawi ng mahigit 200 katao na karamiha’y MNLF fighters habang nadamay din ang libu-libong sibilyan.
By Drew Nacino