Pumayag ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magtayo ang Dito Telecommunity o dating Mislatel Consortium ng communication facility sa loob ng mga miltary camps at installations.
Nangyari ang kasunduan sa pagitan nina Major General Adrian Sanchez, Deputy Chief of staff for communications, electronics at information systems at Atty. Adel Tamano ang Chief Administrative Officer ng dito sa Camp Aguinaldo.
Batay sa naging kasunduan, tutukuyin ng AFP ang mga partikular na lokasyon kung saan maaring magtayo ng communication sites ang dito nang hindi makaaapekto sa operasyon ng militar.
Ang bayad ng dito Telecommunity ay sa pamamagitan ng equipment, services at training na katumbas ng magiging monetary value ng upa sa military facility.
Ang pumasok na third telco ay 40% na pag-aari ng Chinese telecom at 60% na pag-aari ng mga Pilipino sa pangunguna ni Davao City businessman Dennis Uy.